πππ¦ππππ‘ | ISANG BABAE NASAWI, PITONG CREW LIGTAS MATAPOS TAOB ANG MB SAN AGUSTIN-IV MALAPIT SA LIWAGAO ISLAND.
Isang babae ang nasawi habang pitong miyembro ng crew ang nakaligtas matapos tumaob ang MB San Agustin-IV malapit sa Liwagao Island, Caluya, Antique, pasado alas-5 ng madaling araw ngayong Linggo, Setyembre 6. Ayon sa paunang impormasyon, malalakas na alon ang umano’y tumama sa sasakyang-dagat hanggang sa tuluyang tumaob.
Mula pa noong Sabado ay nagsagawa na ng paghahanap ang Philippine Coast Guard matapos hindi makarating ang MB San Agustin-IV sa nakatakdang oras ng pagdaong nito sa Caminawit Port sa San Jose, Occidental Mindoro. Batay sa ulat, umalis ang motor banca mula Semirara Island, Caluya, Antique, dakong alas-2 ng hapon noong Sabado, Setyembre 5.
Natagpuan ang sasakyang-dagat sa bahagi ng karagatan malapit sa Liwagao Island, kung saan nakumpirmang nakataob ito. Ligtas naman ang pitong crew members.
Samantala, isang babae ang naiulat na hindi nakaligtas. Ayon sa paunang impormasyon, kabilang umano siya sa mga tumulong sa paghahanap sa nawawalang sasakyang-dagat.
Hinihintay pa ang opisyal na pahayag ng Philippine Coast Guard para sa kumpletong detalye ng insidente, kabilang ang pagkakakilanlan ng nasawi at iba pang impormasyon hinggil sa operasyon ng search and rescue.