Sponsorizzato
  • Present again ang Ulan Ngayon,kagabi Lang umabsent 🙊☔💦🌧️
    Present again ang Ulan Ngayon,kagabi Lang umabsent 🙊☔💦🌧️
    1 Commenti 0 condivisioni 119 Views 0 Anteprima
  • 🌸 CHAPTER 2🌸
    One year later


    “OPEN the door, Lexie!” Napamulat ng mata si Lexie. Bumangon siya sa sofa nang marinig ulit ang malakas na sigaw ni Razel. Tiningnan niya ang relo sa kamay. Napabuntong-hininga siya at napailing-iling. Alas-otso na naman ng gabi umuwi ang asawa. ‘Di niya alam kung matatawag niya nga ba na asawa ito.


    Tumayo siya at tinungo ang pinto. Inihanda niya na ang sarili. Alam niyang pagbubuhatan na naman siya ni Razel ng kamay kahit na wala siyang ginagawang masama.


    Pagbukas niya ng pintuan matalim siya nitong tiningnan.


    “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?” singhal nito. Napalunok siya ng laway. Humigpit din ang kapit niya sa laylayan ng kanyang damit.


    Napatingin siya sa kasama nito. Parang sinaksak ng libo-libong karayom ang puso niya sa nakita. Nakahawak ang kamay ng asawa sa bewang ng pinsan niyang si Sherra.


    Muling ibinaling niya ang tingin sa mukha ng pinsan. Nakataas ang kilay nito sa kanya. Gusto niya sana itong irapan kung wala ang asawa sa harapan nila.


    “Honey, mauna ka nang umakyat sa kwarto . . . mauna ka na rin mag-shower,” utos ni Razel rito. Tiningnan niya nang masama ang pinsan.


    “Okay, Hon,” malanding sagot nito. Hinimas pa nito ang dibdib ni Razel. Kung hindi lang magagalit sa kanya ang asawa baka kanina niya pa sinabunutan ang pinsan.
    Bago ito tuluyang tumalikod nginisian pa siya nito. Naikuyom niya na lang ang dalawang palad.


    Isang taon na silang kasal ni Razel. Wala siyang nagawa nang ipakasal siya ng ama rito dahil ikinulong siya nang tatlong araw sa loob ng kwarto niya. Lalo siyang napilitang magpakasal nang bugbugin ng ama ang dalawa niyang kapatid na lalaki.


    Sa isang taon na lumipas palagi siya nitong sinasaktan. Palagi rin nitong dinadala sa bahay nila ang nobya nitong si Sherra.


    Kahit kasal na sila ni Razel hindi pa rin hinihiwalayan ng pinsan niya ang kanyang asawa.


    “I’m talking to you, Lexie!” Napapitlag siya sa sigaw nito. Napayuko siya ayaw niya makita ang galit na mukha nito. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto ha?”


    “Sorry, nakatulog kasi ako sa sofa,” sagot niya rito habang nanatiling nakayuko.


    “Bullsh*t! Alam mo ba na kalahating oras kaming naghintay! Sa susunod huwag ka muna matulog hintayin mo ang pagdating ko!” nanggigigil na sigaw nito sa mukha niya. Sa halip na mainis siya sigaw nito, natuwa pa siya nang maamoy niya ang hininga nito.
    🌸 CHAPTER 2🌸 One year later “OPEN the door, Lexie!” Napamulat ng mata si Lexie. Bumangon siya sa sofa nang marinig ulit ang malakas na sigaw ni Razel. Tiningnan niya ang relo sa kamay. Napabuntong-hininga siya at napailing-iling. Alas-otso na naman ng gabi umuwi ang asawa. ‘Di niya alam kung matatawag niya nga ba na asawa ito. Tumayo siya at tinungo ang pinto. Inihanda niya na ang sarili. Alam niyang pagbubuhatan na naman siya ni Razel ng kamay kahit na wala siyang ginagawang masama. Pagbukas niya ng pintuan matalim siya nitong tiningnan. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?” singhal nito. Napalunok siya ng laway. Humigpit din ang kapit niya sa laylayan ng kanyang damit. Napatingin siya sa kasama nito. Parang sinaksak ng libo-libong karayom ang puso niya sa nakita. Nakahawak ang kamay ng asawa sa bewang ng pinsan niyang si Sherra. Muling ibinaling niya ang tingin sa mukha ng pinsan. Nakataas ang kilay nito sa kanya. Gusto niya sana itong irapan kung wala ang asawa sa harapan nila. “Honey, mauna ka nang umakyat sa kwarto . . . mauna ka na rin mag-shower,” utos ni Razel rito. Tiningnan niya nang masama ang pinsan. “Okay, Hon,” malanding sagot nito. Hinimas pa nito ang dibdib ni Razel. Kung hindi lang magagalit sa kanya ang asawa baka kanina niya pa sinabunutan ang pinsan. Bago ito tuluyang tumalikod nginisian pa siya nito. Naikuyom niya na lang ang dalawang palad. Isang taon na silang kasal ni Razel. Wala siyang nagawa nang ipakasal siya ng ama rito dahil ikinulong siya nang tatlong araw sa loob ng kwarto niya. Lalo siyang napilitang magpakasal nang bugbugin ng ama ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Sa isang taon na lumipas palagi siya nitong sinasaktan. Palagi rin nitong dinadala sa bahay nila ang nobya nitong si Sherra. Kahit kasal na sila ni Razel hindi pa rin hinihiwalayan ng pinsan niya ang kanyang asawa. “I’m talking to you, Lexie!” Napapitlag siya sa sigaw nito. Napayuko siya ayaw niya makita ang galit na mukha nito. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto ha?” “Sorry, nakatulog kasi ako sa sofa,” sagot niya rito habang nanatiling nakayuko. “Bullsh*t! Alam mo ba na kalahating oras kaming naghintay! Sa susunod huwag ka muna matulog hintayin mo ang pagdating ko!” nanggigigil na sigaw nito sa mukha niya. Sa halip na mainis siya sigaw nito, natuwa pa siya nang maamoy niya ang hininga nito.
    0 Commenti 0 condivisioni 214 Views 0 Anteprima
  • Maulan na gabi sa inyu ! LF ka yakap🥶
    Maulan na gabi sa inyu ! LF ka yakap🥶
    Like
    Love
    2
    1 Commenti 0 condivisioni 154 Views 0 Anteprima
  • 🌸 CHAPTER 1🌸
    NAKAUPO si Lexie sa lumang sofa nila habang nakatingin sa nakaupong ama sa kanyang tabi. Dahil alas-nuwebe na ng gabi, hindi niya napigilang humikab. Gusto na sana niyang matulog. She was already feeling tired and sleepy.

    May importante raw kasing sasabihin ang kanyang ama kaya tiniis muna niya ang puyat. Kakauwi niya pa lang galing palengke dahil pagkarating niya kanina galing eskwelahan ay pinatinda siya kaagad ng kanyang ina ng isda.

    Mabuti na lang at may pumakyaw sa tinda niyang isda kaya nakauwi siya agad. Kung nagkataong walang pumakyaw, baka abutin na naman siya ng alas-dyes ng gabi.

    Sa tuwing walang pumapakyaw sa tinda niyang isda ay alas-dyes siya umuuwi. Palagi rin siyang pinapagalitan ng kanyang ama kapag nakikita nitong hindi ubos ang tininda niyang isda.

    “Lexie, sa sunod na linggo ikakasal kayo ni Razel sa huwes,” seryosong saad ng kanyang ama.

    Parang sinindihan ang puwet niya sa narinig. Napatayo rin siya, at biglang nawala ang lahat ng antok at pagod niya.

    “Pa! Nagbibiro ka lang, ‘di ba? At saka lasing ka lang kaya kung anu-ano sinasabi niyo,” pilit pa rin siyang ngumiti sa harapan nito.

    Amoy alak ang kanyang ama. Wala naman itong ginagawa buong maghapon dahil ang tanging alam lang nitong gawin ay tumambay sa kanto at uminom ng alak habang sumusugal. Adik rin ito sa sabong.

    Kaya awang-awa na siya sa kanyang ina dahil nagtitinda ito ng isda buong maghapon. Ang Ate Sherra niya naman ay ubod ng tamad. Kahit maghugas ng plato ay hindi nito ginagawa. The only thing she seemed to know how to do was scroll through Facebook pagkagaling sa eskwelahan.

    Kahit sa pagtitinda ng isda ay ayaw siya nitong tulungan. Ang mga isdang binibenta niya ay galing sa kaibigang mangingisda ng kanyang ina. Doon bumibili ang kanyang ina dahil mura ang singil nito. Pinapatungan lang niya ang presyo para kahit papaano ay may tubo siya.

    “Sa tingin mo ba nagbibiro ako? ‘Di ako nagbibiro, Lexie, hindi rin ako lasing!” singhal nito.

    Napawi ang ngiti niya.

    Bakit siya magpapakasal kay Razel?

    Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng pinsan niyang si Sherra kapag pinakasalan niya ang boyfriend nito?

    Ayokong masabihan ng malandi!

    Napaka-maldita pa naman nito. Sa lahat ng pinsan niya, si Sherra lang ang hindi niya kasundo. Por que teacher lang ang ama at ina nito, napakayabang na nito. Sa tuwing nagkikita sila ng pinsan niya, iniirapan siya nito.

    “Pa, ayokong magpakasal kay Razel,” mahinahon niyang wika. “At bakit ba ako magpapakasal sa lalaking iyon?”

    Bakit nga ba siya magpapakasal?

    Ano’ng dahilan ng ama niya?

    Biglang nagbago ang anyo nito kaya napaatras siya. Tumayo ito at hinila ang buhok niya.

    “Magpapakasal ka sa lalaking iyon! Malaki ang utang ko sa ama ni Razel, ikaw lang ang alam kong puwedeng ibayad. Wala ka rin namang kuwentang bata ka! Palamunin ka lang dito sa bahay!” galit na sigaw nito sa mukha niya.

    Ako pa talaga ang palamunin?

    Mas palamunin pa nga si Ate Sherra kaysa sa akin!

    Gusto niya sanang isigaw iyon sa kanyang ama, pero pinili niyang huwag na lang sabihin. Baka lalo lang siyang malintikan dito. Paboritong anak pa naman nito ang ate nila.

    “Pa, lasing ka lang,” saway niya.

    Kaya lalo nitong hinila ang buhok niya.
    🌸 CHAPTER 1🌸 NAKAUPO si Lexie sa lumang sofa nila habang nakatingin sa nakaupong ama sa kanyang tabi. Dahil alas-nuwebe na ng gabi, hindi niya napigilang humikab. Gusto na sana niyang matulog. She was already feeling tired and sleepy. May importante raw kasing sasabihin ang kanyang ama kaya tiniis muna niya ang puyat. Kakauwi niya pa lang galing palengke dahil pagkarating niya kanina galing eskwelahan ay pinatinda siya kaagad ng kanyang ina ng isda. Mabuti na lang at may pumakyaw sa tinda niyang isda kaya nakauwi siya agad. Kung nagkataong walang pumakyaw, baka abutin na naman siya ng alas-dyes ng gabi. Sa tuwing walang pumapakyaw sa tinda niyang isda ay alas-dyes siya umuuwi. Palagi rin siyang pinapagalitan ng kanyang ama kapag nakikita nitong hindi ubos ang tininda niyang isda. “Lexie, sa sunod na linggo ikakasal kayo ni Razel sa huwes,” seryosong saad ng kanyang ama. Parang sinindihan ang puwet niya sa narinig. Napatayo rin siya, at biglang nawala ang lahat ng antok at pagod niya. “Pa! Nagbibiro ka lang, ‘di ba? At saka lasing ka lang kaya kung anu-ano sinasabi niyo,” pilit pa rin siyang ngumiti sa harapan nito. Amoy alak ang kanyang ama. Wala naman itong ginagawa buong maghapon dahil ang tanging alam lang nitong gawin ay tumambay sa kanto at uminom ng alak habang sumusugal. Adik rin ito sa sabong. Kaya awang-awa na siya sa kanyang ina dahil nagtitinda ito ng isda buong maghapon. Ang Ate Sherra niya naman ay ubod ng tamad. Kahit maghugas ng plato ay hindi nito ginagawa. The only thing she seemed to know how to do was scroll through Facebook pagkagaling sa eskwelahan. Kahit sa pagtitinda ng isda ay ayaw siya nitong tulungan. Ang mga isdang binibenta niya ay galing sa kaibigang mangingisda ng kanyang ina. Doon bumibili ang kanyang ina dahil mura ang singil nito. Pinapatungan lang niya ang presyo para kahit papaano ay may tubo siya. “Sa tingin mo ba nagbibiro ako? ‘Di ako nagbibiro, Lexie, hindi rin ako lasing!” singhal nito. Napawi ang ngiti niya. Bakit siya magpapakasal kay Razel? Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng pinsan niyang si Sherra kapag pinakasalan niya ang boyfriend nito? Ayokong masabihan ng malandi! Napaka-maldita pa naman nito. Sa lahat ng pinsan niya, si Sherra lang ang hindi niya kasundo. Por que teacher lang ang ama at ina nito, napakayabang na nito. Sa tuwing nagkikita sila ng pinsan niya, iniirapan siya nito. “Pa, ayokong magpakasal kay Razel,” mahinahon niyang wika. “At bakit ba ako magpapakasal sa lalaking iyon?” Bakit nga ba siya magpapakasal? Ano’ng dahilan ng ama niya? Biglang nagbago ang anyo nito kaya napaatras siya. Tumayo ito at hinila ang buhok niya. “Magpapakasal ka sa lalaking iyon! Malaki ang utang ko sa ama ni Razel, ikaw lang ang alam kong puwedeng ibayad. Wala ka rin namang kuwentang bata ka! Palamunin ka lang dito sa bahay!” galit na sigaw nito sa mukha niya. Ako pa talaga ang palamunin? Mas palamunin pa nga si Ate Sherra kaysa sa akin! Gusto niya sanang isigaw iyon sa kanyang ama, pero pinili niyang huwag na lang sabihin. Baka lalo lang siyang malintikan dito. Paboritong anak pa naman nito ang ate nila. “Pa, lasing ka lang,” saway niya. Kaya lalo nitong hinila ang buhok niya.
    Like
    1
    0 Commenti 0 condivisioni 280 Views 0 Anteprima
  • Pagsapit ng gabi
    Pagsapit ng gabi
    0 Commenti 0 condivisioni 92 Views 0 Anteprima
  • magandang gabi po
    magandang gabi po
    0 Commenti 0 condivisioni 132 Views 0 Anteprima
  • Hindi lahat ng kwento ay may malaking eksena. Minsan, sapat na ang isang simpleng sandali.


    Mabagal ang progreso mo at nakikita mong nauuna ang iba.
    Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Minsan, sapat nang hindi ka sumuko ngayong araw.


    Aral: Hindi karera ang buhay; iba-iba ang oras ng bawat tao.


    Anong aral ang natutunan mo nitong mga nakaraang araw?
    #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    Hindi lahat ng kwento ay may malaking eksena. Minsan, sapat na ang isang simpleng sandali. Mabagal ang progreso mo at nakikita mong nauuna ang iba. Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Minsan, sapat nang hindi ka sumuko ngayong araw. Aral: Hindi karera ang buhay; iba-iba ang oras ng bawat tao. Anong aral ang natutunan mo nitong mga nakaraang araw? #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    Like
    1
    0 Commenti 0 condivisioni 292 Views 0 Anteprima
  • May mga araw talagang tahimik, pero may itinuturo pa rin.


    May araw na mabigat ang trabaho at pakiramdam mo walang nakakakita ng effort mo.
    Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Hindi kailangang madali para maging tama.


    Aral: Ang sipag na ginagawa mo araw-araw ay may halaga kahit walang pumapalakpak.


    Baka kailangan ding marinig ito ng isang taong kilala mo.
    #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    May mga araw talagang tahimik, pero may itinuturo pa rin. May araw na mabigat ang trabaho at pakiramdam mo walang nakakakita ng effort mo. Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Hindi kailangang madali para maging tama. Aral: Ang sipag na ginagawa mo araw-araw ay may halaga kahit walang pumapalakpak. Baka kailangan ding marinig ito ng isang taong kilala mo. #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    Like
    1
    0 Commenti 0 condivisioni 237 Views 0 Anteprima
  • Akala niya wala lang ang nangyari, pero iba pala ang ibig sabihin nito.


    May kaibigang hindi palaging nakakausap pero kapag kailangan mo, nandiyan agad.
    Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Hindi man perpekto ang araw, may dahilan pa rin para magpatuloy.


    Aral: Hindi nasusukat sa dalas ng usap ang tunay na pagkakaibigan.


    Kung naka-relate ka, itago mo ang aral na ito.
    #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    Akala niya wala lang ang nangyari, pero iba pala ang ibig sabihin nito. May kaibigang hindi palaging nakakausap pero kapag kailangan mo, nandiyan agad. Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Hindi man perpekto ang araw, may dahilan pa rin para magpatuloy. Aral: Hindi nasusukat sa dalas ng usap ang tunay na pagkakaibigan. Kung naka-relate ka, itago mo ang aral na ito. #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    Like
    Love
    2
    0 Commenti 0 condivisioni 257 Views 0 Anteprima
  • Minsan, sa simpleng eksena natin natututunan ang mahahalagang bagay.


    Sa dami ng problema, may isang taong tahimik na laging nandiyan para sa iyo.
    Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Unti-unti lang. Hindi kailangang sabay-sabay.


    Aral: Minsan, ang tunay na yaman ay ang taong hindi umaalis sa tabi mo.


    I-share mo kung may taong kailangan ng paalala ngayon.
    #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    Minsan, sa simpleng eksena natin natututunan ang mahahalagang bagay. Sa dami ng problema, may isang taong tahimik na laging nandiyan para sa iyo. Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Unti-unti lang. Hindi kailangang sabay-sabay. Aral: Minsan, ang tunay na yaman ay ang taong hindi umaalis sa tabi mo. I-share mo kung may taong kailangan ng paalala ngayon. #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    0 Commenti 0 condivisioni 255 Views 0 Anteprima
  • Hindi niya inakala na sa maliit na pangyayari manggagaling ang malaking aral.


    Tinulungan mo ang isang tao kahit maliit lang ang kaya mo.
    Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Ang mahalaga, may natutunan ka at susubukan mong muli.


    Aral: Hindi kailangang malaki ang tulong para maging mahalaga sa iba.


    Kung may pinagdadaanan ka, tandaan mo ito.
    #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    Hindi niya inakala na sa maliit na pangyayari manggagaling ang malaking aral. Tinulungan mo ang isang tao kahit maliit lang ang kaya mo. Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Ang mahalaga, may natutunan ka at susubukan mong muli. Aral: Hindi kailangang malaki ang tulong para maging mahalaga sa iba. Kung may pinagdadaanan ka, tandaan mo ito. #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    Like
    1
    0 Commenti 0 condivisioni 228 Views 0 Anteprima
  • May isang bagay akong natutunan mula sa araw na iyon.


    Nagkamali ka at paulit-ulit mong iniisip kung paano mo sana ginawa nang tama.
    Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Minsan, sapat nang hindi ka sumuko ngayong araw.


    Aral: Ang pagkakamali ay puwedeng maging gabay para hindi na maulit.


    Anong aral ang natutunan mo nitong mga nakaraang araw?
    #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    May isang bagay akong natutunan mula sa araw na iyon. Nagkamali ka at paulit-ulit mong iniisip kung paano mo sana ginawa nang tama. Nang gabing iyon, naisip niya na hindi pala kailangan ng malaking pagbabago para magsimula. Minsan, sapat nang hindi ka sumuko ngayong araw. Aral: Ang pagkakamali ay puwedeng maging gabay para hindi na maulit. Anong aral ang natutunan mo nitong mga nakaraang araw? #AralSaBawatKwento #Buhay #Aral
    0 Commenti 0 condivisioni 93 Views 0 Anteprima
Pagine in Evidenza
Sponsorizzato