Patrocinado
Atualizações Recentes
  • 0 Comentários 0 Compartilhamentos 113 Visualizações 0 Anterior
  • 0 Comentários 0 Compartilhamentos 112 Visualizações 0 Anterior
  • 0 Comentários 0 Compartilhamentos 1K Visualizações 0 Anterior
  • 0 Comentários 0 Compartilhamentos 166 Visualizações 0 Anterior
  • 🌸 CHAPTER 2🌸
    One year later


    “OPEN the door, Lexie!” Napamulat ng mata si Lexie. Bumangon siya sa sofa nang marinig ulit ang malakas na sigaw ni Razel. Tiningnan niya ang relo sa kamay. Napabuntong-hininga siya at napailing-iling. Alas-otso na naman ng gabi umuwi ang asawa. ‘Di niya alam kung matatawag niya nga ba na asawa ito.


    Tumayo siya at tinungo ang pinto. Inihanda niya na ang sarili. Alam niyang pagbubuhatan na naman siya ni Razel ng kamay kahit na wala siyang ginagawang masama.


    Pagbukas niya ng pintuan matalim siya nitong tiningnan.


    “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?” singhal nito. Napalunok siya ng laway. Humigpit din ang kapit niya sa laylayan ng kanyang damit.


    Napatingin siya sa kasama nito. Parang sinaksak ng libo-libong karayom ang puso niya sa nakita. Nakahawak ang kamay ng asawa sa bewang ng pinsan niyang si Sherra.


    Muling ibinaling niya ang tingin sa mukha ng pinsan. Nakataas ang kilay nito sa kanya. Gusto niya sana itong irapan kung wala ang asawa sa harapan nila.


    “Honey, mauna ka nang umakyat sa kwarto . . . mauna ka na rin mag-shower,” utos ni Razel rito. Tiningnan niya nang masama ang pinsan.


    “Okay, Hon,” malanding sagot nito. Hinimas pa nito ang dibdib ni Razel. Kung hindi lang magagalit sa kanya ang asawa baka kanina niya pa sinabunutan ang pinsan.
    Bago ito tuluyang tumalikod nginisian pa siya nito. Naikuyom niya na lang ang dalawang palad.


    Isang taon na silang kasal ni Razel. Wala siyang nagawa nang ipakasal siya ng ama rito dahil ikinulong siya nang tatlong araw sa loob ng kwarto niya. Lalo siyang napilitang magpakasal nang bugbugin ng ama ang dalawa niyang kapatid na lalaki.


    Sa isang taon na lumipas palagi siya nitong sinasaktan. Palagi rin nitong dinadala sa bahay nila ang nobya nitong si Sherra.


    Kahit kasal na sila ni Razel hindi pa rin hinihiwalayan ng pinsan niya ang kanyang asawa.


    “I’m talking to you, Lexie!” Napapitlag siya sa sigaw nito. Napayuko siya ayaw niya makita ang galit na mukha nito. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto ha?”


    “Sorry, nakatulog kasi ako sa sofa,” sagot niya rito habang nanatiling nakayuko.


    “Bullsh*t! Alam mo ba na kalahating oras kaming naghintay! Sa susunod huwag ka muna matulog hintayin mo ang pagdating ko!” nanggigigil na sigaw nito sa mukha niya. Sa halip na mainis siya sigaw nito, natuwa pa siya nang maamoy niya ang hininga nito.
    🌸 CHAPTER 2🌸 One year later “OPEN the door, Lexie!” Napamulat ng mata si Lexie. Bumangon siya sa sofa nang marinig ulit ang malakas na sigaw ni Razel. Tiningnan niya ang relo sa kamay. Napabuntong-hininga siya at napailing-iling. Alas-otso na naman ng gabi umuwi ang asawa. ‘Di niya alam kung matatawag niya nga ba na asawa ito. Tumayo siya at tinungo ang pinto. Inihanda niya na ang sarili. Alam niyang pagbubuhatan na naman siya ni Razel ng kamay kahit na wala siyang ginagawang masama. Pagbukas niya ng pintuan matalim siya nitong tiningnan. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?” singhal nito. Napalunok siya ng laway. Humigpit din ang kapit niya sa laylayan ng kanyang damit. Napatingin siya sa kasama nito. Parang sinaksak ng libo-libong karayom ang puso niya sa nakita. Nakahawak ang kamay ng asawa sa bewang ng pinsan niyang si Sherra. Muling ibinaling niya ang tingin sa mukha ng pinsan. Nakataas ang kilay nito sa kanya. Gusto niya sana itong irapan kung wala ang asawa sa harapan nila. “Honey, mauna ka nang umakyat sa kwarto . . . mauna ka na rin mag-shower,” utos ni Razel rito. Tiningnan niya nang masama ang pinsan. “Okay, Hon,” malanding sagot nito. Hinimas pa nito ang dibdib ni Razel. Kung hindi lang magagalit sa kanya ang asawa baka kanina niya pa sinabunutan ang pinsan. Bago ito tuluyang tumalikod nginisian pa siya nito. Naikuyom niya na lang ang dalawang palad. Isang taon na silang kasal ni Razel. Wala siyang nagawa nang ipakasal siya ng ama rito dahil ikinulong siya nang tatlong araw sa loob ng kwarto niya. Lalo siyang napilitang magpakasal nang bugbugin ng ama ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Sa isang taon na lumipas palagi siya nitong sinasaktan. Palagi rin nitong dinadala sa bahay nila ang nobya nitong si Sherra. Kahit kasal na sila ni Razel hindi pa rin hinihiwalayan ng pinsan niya ang kanyang asawa. “I’m talking to you, Lexie!” Napapitlag siya sa sigaw nito. Napayuko siya ayaw niya makita ang galit na mukha nito. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto ha?” “Sorry, nakatulog kasi ako sa sofa,” sagot niya rito habang nanatiling nakayuko. “Bullsh*t! Alam mo ba na kalahating oras kaming naghintay! Sa susunod huwag ka muna matulog hintayin mo ang pagdating ko!” nanggigigil na sigaw nito sa mukha niya. Sa halip na mainis siya sigaw nito, natuwa pa siya nang maamoy niya ang hininga nito.
    0 Comentários 0 Compartilhamentos 243 Visualizações 0 Anterior
  • 🌸 CONTINUATION OF CHAPTER 1🌸
    Hindi niya puwedeng iwan ang dalawang kapatid niyang lalaki at ang kanyang ina.

    “Pumayag ka na sa gusto ni Papa, Lexie. Ayoko kay Razel. I will never marry that guy... si Rake na kapatid niya ang gusto kong pakasalan.”

    Parang tangang ngumiti ito nang mabanggit ang pangalan ni Rake.

    Alam niyang matagal nang may gusto ang Ate Lezie niya sa lalaki.

    “Lezie, bumalik ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala sa babaeng ito,” rinig niyang wika ng ama sa kanyang likuran.

    “Bye! Lexie, bahala ka sa buhay mo!” pang-aasar pa ng Ate Lezie niya sa kanya.

    Nag-flying kiss pa ito bago tuluyang pumasok sa kwarto nito.

    Humarap siya sa kanyang ama at tinitigan ito.

    Bakit kapag ang ate niya ang kaharap ng ama niya, napakabait nito?

    Bakit kapag siya at ang dalawang kapatid niya ang kaharap nito, nagiging mabangis ang mukha nito?

    Hindi ba sila mga anak din nito?

    Kaya parang hayop sila kung ituring nito.

    Tanging ang ina na lang ang kakampi nila. Ang ate kasi nila, kakampi ng ama nila.

    Kung ituring sila ng ate nila ay parang mga hayop. Sa tuwing magagalaw lang niya o kaya ay magagalaw ng dalawa niyang kapatid ang mga gamit nito, nangbabato na ito—tsinelas, lalagyan ng lotion, at remote ng TV.

    Kaya iniiwasan nilang mahawakan ang mga gamit nito.

    Kahit suklay ay ipinagdadamot din nito.

    May sarili rin itong kwarto. Sa kwarto naman nito, tanging ang ama at ina lang nila ang pinapayagan nitong pumasok.

    “Aray!” hiyaw niya nang hampasin siya ng ama ng tsinelas sa ulo.

    Napaatras siya nang akmang hahampasin pa siya nito sa mukha gamit ang tsinelas.

    “Kahit kailan talaga bastos ka, eh!” galit na sigaw nito. “Kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot!”

    Napahawak siya sa kanang pisngi nang sapakin siya ng ama sa mukha.

    Parang mawawalan siya ng ulirat sa ginawa nito.

    Hindi niya alam ang gagawin o kung paano siya makakaalis sa harapan nito.

    Alam niyang sasaktan pa siya ulit nito.

    Napapikit na lang siya nang hablutin nito ang kanyang buhok.

    “Bukas agahan mong gumising. Makikipagkita tayo sa ama ni Razel. Gusto ka raw nitong makita.”

    Napailing-iling siya.

    Hinigpitan lalo nito ang pagkakahawak sa buhok niya. Pakiramdam niya ay parang natatanggal na ang mga buhok sa kanyang anit.

    “Pa, ayokong makipagkita sa ama ni Razel! Ayokong magpakasal sa lalaking ‘yon!” sigaw niya.

    Nanlabo ang paningin niya nang suntukin nito ang kanyang sikmura.

    Panginoon, kayo na po ang bahala sa akin.

    “Diyos ko! Jimmy!” huling narinig niyang sigaw ng kanyang ina bago tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.
    🌸 CONTINUATION OF CHAPTER 1🌸 Hindi niya puwedeng iwan ang dalawang kapatid niyang lalaki at ang kanyang ina. “Pumayag ka na sa gusto ni Papa, Lexie. Ayoko kay Razel. I will never marry that guy... si Rake na kapatid niya ang gusto kong pakasalan.” Parang tangang ngumiti ito nang mabanggit ang pangalan ni Rake. Alam niyang matagal nang may gusto ang Ate Lezie niya sa lalaki. “Lezie, bumalik ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala sa babaeng ito,” rinig niyang wika ng ama sa kanyang likuran. “Bye! Lexie, bahala ka sa buhay mo!” pang-aasar pa ng Ate Lezie niya sa kanya. Nag-flying kiss pa ito bago tuluyang pumasok sa kwarto nito. Humarap siya sa kanyang ama at tinitigan ito. Bakit kapag ang ate niya ang kaharap ng ama niya, napakabait nito? Bakit kapag siya at ang dalawang kapatid niya ang kaharap nito, nagiging mabangis ang mukha nito? Hindi ba sila mga anak din nito? Kaya parang hayop sila kung ituring nito. Tanging ang ina na lang ang kakampi nila. Ang ate kasi nila, kakampi ng ama nila. Kung ituring sila ng ate nila ay parang mga hayop. Sa tuwing magagalaw lang niya o kaya ay magagalaw ng dalawa niyang kapatid ang mga gamit nito, nangbabato na ito—tsinelas, lalagyan ng lotion, at remote ng TV. Kaya iniiwasan nilang mahawakan ang mga gamit nito. Kahit suklay ay ipinagdadamot din nito. May sarili rin itong kwarto. Sa kwarto naman nito, tanging ang ama at ina lang nila ang pinapayagan nitong pumasok. “Aray!” hiyaw niya nang hampasin siya ng ama ng tsinelas sa ulo. Napaatras siya nang akmang hahampasin pa siya nito sa mukha gamit ang tsinelas. “Kahit kailan talaga bastos ka, eh!” galit na sigaw nito. “Kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot!” Napahawak siya sa kanang pisngi nang sapakin siya ng ama sa mukha. Parang mawawalan siya ng ulirat sa ginawa nito. Hindi niya alam ang gagawin o kung paano siya makakaalis sa harapan nito. Alam niyang sasaktan pa siya ulit nito. Napapikit na lang siya nang hablutin nito ang kanyang buhok. “Bukas agahan mong gumising. Makikipagkita tayo sa ama ni Razel. Gusto ka raw nitong makita.” Napailing-iling siya. Hinigpitan lalo nito ang pagkakahawak sa buhok niya. Pakiramdam niya ay parang natatanggal na ang mga buhok sa kanyang anit. “Pa, ayokong makipagkita sa ama ni Razel! Ayokong magpakasal sa lalaking ‘yon!” sigaw niya. Nanlabo ang paningin niya nang suntukin nito ang kanyang sikmura. Panginoon, kayo na po ang bahala sa akin. “Diyos ko! Jimmy!” huling narinig niyang sigaw ng kanyang ina bago tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.
    0 Comentários 0 Compartilhamentos 303 Visualizações 0 Anterior
  • 🌸CONTINUATION of CHAPTER 1🌸

    Hindi na niya napigilang umiyak nang pisilin nito ang kaliwang braso niya. Halos bumaon na ang mga kuko nito sa kanyang balat.

    “Patayin mo na lang po ako, Pa! Kahit ano’ng gawin n’yo, hindi po ako magpapakasal kay Razel!”

    “Gano’n! Ayaw mong magpakasal kay Razel? Gusto mo bang bugbugin ko ang dalawa mong kapatid?”

    Napailing-iling siya.

    She loved her two brothers. Ayaw niyang masaktan ang mga ito.

    “Huwag n’yo naman po idamay si Liam at Lexus, Pa!” galit niyang sigaw.

    Tinanggal nito ang kamay sa buhok niya.

    Namumula na ang mukha ng kanyang ama. Mapungay na rin ang mga mata nito—halatang lasing na. Sa itsura nito, parang gustong-gusto na siyang patayin.

    Napaigik siya sa sakit nang sampalin nito ang kanang pisngi niya.

    Masama ba siyang anak?

    Bakit kayang-kaya siyang saktan ng kanyang ama?

    Hindi ba sila nito mahal?

    Napapikit siya nang sampalin din nito ang kaliwang pisngi niya. Napamulat agad siya nang pisilin nito ang kanyang baba.

    “Magpapakasal ka kay Razel! Para wala na akong utang sa ama niya. Mabuti nga at gustong-gusto ka ng ama ni Razel para sa anak niya.”

    Gustong-gusto nga ako ng ama niya.

    Pero si Razel, gusto ba ako?

    Kahit magmakaawa siguro akong mahalin niya, hindi niya pa rin ako mamahalin.

    Si Sherra ang mahal ni Razel at hindi ako!

    Alam niyang ang pinsan niya ang mahal ni Razel. Nakita niya mismo ang mga ito na nagtatalik sa loob ng kotse. Sa mismong kotse ni Razel.

    “Pa! Si Ate Lezie na lang ang ipakasal n’yo. Siya rin naman po ang panganay, huwag po ako,” pagmamakaawa niya sa ama.

    Bakit kasi siya pa ang ipapakasal kay Razel?

    Puwede rin naman ang Ate Lezie niya.

    Napalingon siya sa pinto ng kwarto ng ate niya. Bumukas ang pintuan nito. Nang lumabas ito ng kwarto, galit itong tumingin sa kanya.

    “Lexie, puwede bang pumayag ka na lang magpakasal. Kanina ko pa kayo naririnig! ‘Di ako makatulog sa kaartehan mo!” pabulyaw na sabi ng kanyang Ate Lezie.

    Nagpasalamat siya nang tanggalin ng ama ang kamay nito sa kanyang baba.

    “Oh, nakita mo na? Nagising pa tuloy ang ate mo dahil sa kaartehan mo!” bulyaw rin ng ama sa kanya.

    Lumapit siya sa harapan ng kanyang ate at lumuhod.

    “Ate, please... ikaw na lang ang magpakasal kay Razel,” pagmamakaawa niya rito.

    Nginisian lang siya nito at naghalukipkip sa kanyang harapan.

    “Alam mo, Lexie,” Tinulak-tulak nito ang noo niya gamit ang hintuturo. “Tanga ka ba, ha? Kapag ako ang nagpakasal kay Razel... magagalit sa’kin si Sherra. Alam mo rin naman, ‘di ba, na matalik ko siyang kaibigan.”

    Dahan-dahan siyang tumayo. Pinahid niya rin ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.

    Ano na ang gagawin niya?

    Lalayas na lang ba siya?

    Napailing-iling siya.

    To be continued... ✨
    🌸CONTINUATION of CHAPTER 1🌸 Hindi na niya napigilang umiyak nang pisilin nito ang kaliwang braso niya. Halos bumaon na ang mga kuko nito sa kanyang balat. “Patayin mo na lang po ako, Pa! Kahit ano’ng gawin n’yo, hindi po ako magpapakasal kay Razel!” “Gano’n! Ayaw mong magpakasal kay Razel? Gusto mo bang bugbugin ko ang dalawa mong kapatid?” Napailing-iling siya. She loved her two brothers. Ayaw niyang masaktan ang mga ito. “Huwag n’yo naman po idamay si Liam at Lexus, Pa!” galit niyang sigaw. Tinanggal nito ang kamay sa buhok niya. Namumula na ang mukha ng kanyang ama. Mapungay na rin ang mga mata nito—halatang lasing na. Sa itsura nito, parang gustong-gusto na siyang patayin. Napaigik siya sa sakit nang sampalin nito ang kanang pisngi niya. Masama ba siyang anak? Bakit kayang-kaya siyang saktan ng kanyang ama? Hindi ba sila nito mahal? Napapikit siya nang sampalin din nito ang kaliwang pisngi niya. Napamulat agad siya nang pisilin nito ang kanyang baba. “Magpapakasal ka kay Razel! Para wala na akong utang sa ama niya. Mabuti nga at gustong-gusto ka ng ama ni Razel para sa anak niya.” Gustong-gusto nga ako ng ama niya. Pero si Razel, gusto ba ako? Kahit magmakaawa siguro akong mahalin niya, hindi niya pa rin ako mamahalin. Si Sherra ang mahal ni Razel at hindi ako! Alam niyang ang pinsan niya ang mahal ni Razel. Nakita niya mismo ang mga ito na nagtatalik sa loob ng kotse. Sa mismong kotse ni Razel. “Pa! Si Ate Lezie na lang ang ipakasal n’yo. Siya rin naman po ang panganay, huwag po ako,” pagmamakaawa niya sa ama. Bakit kasi siya pa ang ipapakasal kay Razel? Puwede rin naman ang Ate Lezie niya. Napalingon siya sa pinto ng kwarto ng ate niya. Bumukas ang pintuan nito. Nang lumabas ito ng kwarto, galit itong tumingin sa kanya. “Lexie, puwede bang pumayag ka na lang magpakasal. Kanina ko pa kayo naririnig! ‘Di ako makatulog sa kaartehan mo!” pabulyaw na sabi ng kanyang Ate Lezie. Nagpasalamat siya nang tanggalin ng ama ang kamay nito sa kanyang baba. “Oh, nakita mo na? Nagising pa tuloy ang ate mo dahil sa kaartehan mo!” bulyaw rin ng ama sa kanya. Lumapit siya sa harapan ng kanyang ate at lumuhod. “Ate, please... ikaw na lang ang magpakasal kay Razel,” pagmamakaawa niya rito. Nginisian lang siya nito at naghalukipkip sa kanyang harapan. “Alam mo, Lexie,” Tinulak-tulak nito ang noo niya gamit ang hintuturo. “Tanga ka ba, ha? Kapag ako ang nagpakasal kay Razel... magagalit sa’kin si Sherra. Alam mo rin naman, ‘di ba, na matalik ko siyang kaibigan.” Dahan-dahan siyang tumayo. Pinahid niya rin ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Ano na ang gagawin niya? Lalayas na lang ba siya? Napailing-iling siya. To be continued... ✨
    Like
    2
    0 Comentários 0 Compartilhamentos 276 Visualizações 0 Anterior
  • 🌸 CHAPTER 1🌸
    NAKAUPO si Lexie sa lumang sofa nila habang nakatingin sa nakaupong ama sa kanyang tabi. Dahil alas-nuwebe na ng gabi, hindi niya napigilang humikab. Gusto na sana niyang matulog. She was already feeling tired and sleepy.

    May importante raw kasing sasabihin ang kanyang ama kaya tiniis muna niya ang puyat. Kakauwi niya pa lang galing palengke dahil pagkarating niya kanina galing eskwelahan ay pinatinda siya kaagad ng kanyang ina ng isda.

    Mabuti na lang at may pumakyaw sa tinda niyang isda kaya nakauwi siya agad. Kung nagkataong walang pumakyaw, baka abutin na naman siya ng alas-dyes ng gabi.

    Sa tuwing walang pumapakyaw sa tinda niyang isda ay alas-dyes siya umuuwi. Palagi rin siyang pinapagalitan ng kanyang ama kapag nakikita nitong hindi ubos ang tininda niyang isda.

    “Lexie, sa sunod na linggo ikakasal kayo ni Razel sa huwes,” seryosong saad ng kanyang ama.

    Parang sinindihan ang puwet niya sa narinig. Napatayo rin siya, at biglang nawala ang lahat ng antok at pagod niya.

    “Pa! Nagbibiro ka lang, ‘di ba? At saka lasing ka lang kaya kung anu-ano sinasabi niyo,” pilit pa rin siyang ngumiti sa harapan nito.

    Amoy alak ang kanyang ama. Wala naman itong ginagawa buong maghapon dahil ang tanging alam lang nitong gawin ay tumambay sa kanto at uminom ng alak habang sumusugal. Adik rin ito sa sabong.

    Kaya awang-awa na siya sa kanyang ina dahil nagtitinda ito ng isda buong maghapon. Ang Ate Sherra niya naman ay ubod ng tamad. Kahit maghugas ng plato ay hindi nito ginagawa. The only thing she seemed to know how to do was scroll through Facebook pagkagaling sa eskwelahan.

    Kahit sa pagtitinda ng isda ay ayaw siya nitong tulungan. Ang mga isdang binibenta niya ay galing sa kaibigang mangingisda ng kanyang ina. Doon bumibili ang kanyang ina dahil mura ang singil nito. Pinapatungan lang niya ang presyo para kahit papaano ay may tubo siya.

    “Sa tingin mo ba nagbibiro ako? ‘Di ako nagbibiro, Lexie, hindi rin ako lasing!” singhal nito.

    Napawi ang ngiti niya.

    Bakit siya magpapakasal kay Razel?

    Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng pinsan niyang si Sherra kapag pinakasalan niya ang boyfriend nito?

    Ayokong masabihan ng malandi!

    Napaka-maldita pa naman nito. Sa lahat ng pinsan niya, si Sherra lang ang hindi niya kasundo. Por que teacher lang ang ama at ina nito, napakayabang na nito. Sa tuwing nagkikita sila ng pinsan niya, iniirapan siya nito.

    “Pa, ayokong magpakasal kay Razel,” mahinahon niyang wika. “At bakit ba ako magpapakasal sa lalaking iyon?”

    Bakit nga ba siya magpapakasal?

    Ano’ng dahilan ng ama niya?

    Biglang nagbago ang anyo nito kaya napaatras siya. Tumayo ito at hinila ang buhok niya.

    “Magpapakasal ka sa lalaking iyon! Malaki ang utang ko sa ama ni Razel, ikaw lang ang alam kong puwedeng ibayad. Wala ka rin namang kuwentang bata ka! Palamunin ka lang dito sa bahay!” galit na sigaw nito sa mukha niya.

    Ako pa talaga ang palamunin?

    Mas palamunin pa nga si Ate Sherra kaysa sa akin!

    Gusto niya sanang isigaw iyon sa kanyang ama, pero pinili niyang huwag na lang sabihin. Baka lalo lang siyang malintikan dito. Paboritong anak pa naman nito ang ate nila.

    “Pa, lasing ka lang,” saway niya.

    Kaya lalo nitong hinila ang buhok niya.
    🌸 CHAPTER 1🌸 NAKAUPO si Lexie sa lumang sofa nila habang nakatingin sa nakaupong ama sa kanyang tabi. Dahil alas-nuwebe na ng gabi, hindi niya napigilang humikab. Gusto na sana niyang matulog. She was already feeling tired and sleepy. May importante raw kasing sasabihin ang kanyang ama kaya tiniis muna niya ang puyat. Kakauwi niya pa lang galing palengke dahil pagkarating niya kanina galing eskwelahan ay pinatinda siya kaagad ng kanyang ina ng isda. Mabuti na lang at may pumakyaw sa tinda niyang isda kaya nakauwi siya agad. Kung nagkataong walang pumakyaw, baka abutin na naman siya ng alas-dyes ng gabi. Sa tuwing walang pumapakyaw sa tinda niyang isda ay alas-dyes siya umuuwi. Palagi rin siyang pinapagalitan ng kanyang ama kapag nakikita nitong hindi ubos ang tininda niyang isda. “Lexie, sa sunod na linggo ikakasal kayo ni Razel sa huwes,” seryosong saad ng kanyang ama. Parang sinindihan ang puwet niya sa narinig. Napatayo rin siya, at biglang nawala ang lahat ng antok at pagod niya. “Pa! Nagbibiro ka lang, ‘di ba? At saka lasing ka lang kaya kung anu-ano sinasabi niyo,” pilit pa rin siyang ngumiti sa harapan nito. Amoy alak ang kanyang ama. Wala naman itong ginagawa buong maghapon dahil ang tanging alam lang nitong gawin ay tumambay sa kanto at uminom ng alak habang sumusugal. Adik rin ito sa sabong. Kaya awang-awa na siya sa kanyang ina dahil nagtitinda ito ng isda buong maghapon. Ang Ate Sherra niya naman ay ubod ng tamad. Kahit maghugas ng plato ay hindi nito ginagawa. The only thing she seemed to know how to do was scroll through Facebook pagkagaling sa eskwelahan. Kahit sa pagtitinda ng isda ay ayaw siya nitong tulungan. Ang mga isdang binibenta niya ay galing sa kaibigang mangingisda ng kanyang ina. Doon bumibili ang kanyang ina dahil mura ang singil nito. Pinapatungan lang niya ang presyo para kahit papaano ay may tubo siya. “Sa tingin mo ba nagbibiro ako? ‘Di ako nagbibiro, Lexie, hindi rin ako lasing!” singhal nito. Napawi ang ngiti niya. Bakit siya magpapakasal kay Razel? Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng pinsan niyang si Sherra kapag pinakasalan niya ang boyfriend nito? Ayokong masabihan ng malandi! Napaka-maldita pa naman nito. Sa lahat ng pinsan niya, si Sherra lang ang hindi niya kasundo. Por que teacher lang ang ama at ina nito, napakayabang na nito. Sa tuwing nagkikita sila ng pinsan niya, iniirapan siya nito. “Pa, ayokong magpakasal kay Razel,” mahinahon niyang wika. “At bakit ba ako magpapakasal sa lalaking iyon?” Bakit nga ba siya magpapakasal? Ano’ng dahilan ng ama niya? Biglang nagbago ang anyo nito kaya napaatras siya. Tumayo ito at hinila ang buhok niya. “Magpapakasal ka sa lalaking iyon! Malaki ang utang ko sa ama ni Razel, ikaw lang ang alam kong puwedeng ibayad. Wala ka rin namang kuwentang bata ka! Palamunin ka lang dito sa bahay!” galit na sigaw nito sa mukha niya. Ako pa talaga ang palamunin? Mas palamunin pa nga si Ate Sherra kaysa sa akin! Gusto niya sanang isigaw iyon sa kanyang ama, pero pinili niyang huwag na lang sabihin. Baka lalo lang siyang malintikan dito. Paboritong anak pa naman nito ang ate nila. “Pa, lasing ka lang,” saway niya. Kaya lalo nitong hinila ang buhok niya.
    Like
    1
    0 Comentários 0 Compartilhamentos 325 Visualizações 0 Anterior
  • #PeraFeedreels
    #PeraFeedreels
    0 Comentários 0 Compartilhamentos 1K Visualizações 0 Anterior
  • Nagganda-gandahan na naman 😃
    Nagganda-gandahan na naman 😃
    Love
    1
    0 Comentários 0 Compartilhamentos 261 Visualizações 2 0 Anterior
  • Title: Her Abusive Husband
    Author: Ayhamin
    Language: Taglish


    **She married to pay her father's debt. He became the man who broke her.**


    *Bound by Debt, Broken by Love* is an emotional drama about survival, betrayal, and the painful journey of a woman trapped in an abusive marriage.


    Lexie Sanchez is forced to marry the wealthy CEO Razel Wollen to settle her father's debt. Instead of finding a new beginning, she endures cruelty, humiliation, and violence from the husband who blames her for his shattered past. As lies, jealousy, and betrayal tear their lives apart, Lexie must fight to protect her child and reclaim the life that was stolen from her.


    This story contains **mature themes of domestic abuse, sexual violence, trauma, and emotional healing**. At its heart, it is a story of resilience—a woman discovering her strength after unimaginable pain.


    **Will forgiveness heal the deepest wounds, or are some scars impossible to erase?**
    Title: Her Abusive Husband Author: Ayhamin Language: Taglish **She married to pay her father's debt. He became the man who broke her.** *Bound by Debt, Broken by Love* is an emotional drama about survival, betrayal, and the painful journey of a woman trapped in an abusive marriage. Lexie Sanchez is forced to marry the wealthy CEO Razel Wollen to settle her father's debt. Instead of finding a new beginning, she endures cruelty, humiliation, and violence from the husband who blames her for his shattered past. As lies, jealousy, and betrayal tear their lives apart, Lexie must fight to protect her child and reclaim the life that was stolen from her. This story contains **mature themes of domestic abuse, sexual violence, trauma, and emotional healing**. At its heart, it is a story of resilience—a woman discovering her strength after unimaginable pain. **Will forgiveness heal the deepest wounds, or are some scars impossible to erase?**
    0 Comentários 0 Compartilhamentos 317 Visualizações 0 Anterior
  • **Can you read my story, _Her Abusive Husband_?** 💔


    A heartbreaking story of love, abuse, survival, and finding the courage to break free. Thank you for reading and supporting i
    t.
    **Can you read my story, _Her Abusive Husband_?** 💔 A heartbreaking story of love, abuse, survival, and finding the courage to break free. Thank you for reading and supporting i t.
    0 Comentários 0 Compartilhamentos 253 Visualizações 0 Anterior
Mais Stories
Patrocinado