Sponsored
  • Add pm sa gusto ng free deposit ako ng bahala 100php sa mga gusto lng ha chat nyo lng ako kung friend pa kayo na gusto ipachat nyo sakin
    Add pm sa gusto ng free deposit ako ng bahala 100php sa mga gusto lng ha chat nyo lng ako kung friend pa kayo na gusto ipachat nyo sakin
    0 Comments 0 Shares 86 Views 0 Reviews
  • Add pm sa gusto ng free deposit ako ng bahala 100php sa mga gusto lng ha chat nyo lng ako kung friend pa kayo na gusto ipachat nyo sakin
    Add pm sa gusto ng free deposit ako ng bahala 100php sa mga gusto lng ha chat nyo lng ako kung friend pa kayo na gusto ipachat nyo sakin
    Like
    1
    1 Comments 0 Shares 85 Views 0 Reviews
  • Add pm sa gusto ng free deposit ako ng bahala 100php sa mga gusto lng ha chat nyo lng ako kung friend pa kayo na gusto ipachat nyo sakin
    Add pm sa gusto ng free deposit ako ng bahala 100php sa mga gusto lng ha chat nyo lng ako kung friend pa kayo na gusto ipachat nyo sakin
    1 Comments 0 Shares 85 Views 0 Reviews
  • Add pm sa gusto ng free deposit ako ng bahala 100php sa mga gusto lng ha chat nyo lng ako kung friend pa kayo na gusto ipachat nyo sakin
    Add pm sa gusto ng free deposit ako ng bahala 100php sa mga gusto lng ha chat nyo lng ako kung friend pa kayo na gusto ipachat nyo sakin
    Like
    1
    0 Comments 0 Shares 84 Views 0 Reviews
  • 🌸 CHAPTER 2🌸
    One year later


    “OPEN the door, Lexie!” Napamulat ng mata si Lexie. Bumangon siya sa sofa nang marinig ulit ang malakas na sigaw ni Razel. Tiningnan niya ang relo sa kamay. Napabuntong-hininga siya at napailing-iling. Alas-otso na naman ng gabi umuwi ang asawa. ‘Di niya alam kung matatawag niya nga ba na asawa ito.


    Tumayo siya at tinungo ang pinto. Inihanda niya na ang sarili. Alam niyang pagbubuhatan na naman siya ni Razel ng kamay kahit na wala siyang ginagawang masama.


    Pagbukas niya ng pintuan matalim siya nitong tiningnan.


    “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?” singhal nito. Napalunok siya ng laway. Humigpit din ang kapit niya sa laylayan ng kanyang damit.


    Napatingin siya sa kasama nito. Parang sinaksak ng libo-libong karayom ang puso niya sa nakita. Nakahawak ang kamay ng asawa sa bewang ng pinsan niyang si Sherra.


    Muling ibinaling niya ang tingin sa mukha ng pinsan. Nakataas ang kilay nito sa kanya. Gusto niya sana itong irapan kung wala ang asawa sa harapan nila.


    “Honey, mauna ka nang umakyat sa kwarto . . . mauna ka na rin mag-shower,” utos ni Razel rito. Tiningnan niya nang masama ang pinsan.


    “Okay, Hon,” malanding sagot nito. Hinimas pa nito ang dibdib ni Razel. Kung hindi lang magagalit sa kanya ang asawa baka kanina niya pa sinabunutan ang pinsan.
    Bago ito tuluyang tumalikod nginisian pa siya nito. Naikuyom niya na lang ang dalawang palad.


    Isang taon na silang kasal ni Razel. Wala siyang nagawa nang ipakasal siya ng ama rito dahil ikinulong siya nang tatlong araw sa loob ng kwarto niya. Lalo siyang napilitang magpakasal nang bugbugin ng ama ang dalawa niyang kapatid na lalaki.


    Sa isang taon na lumipas palagi siya nitong sinasaktan. Palagi rin nitong dinadala sa bahay nila ang nobya nitong si Sherra.


    Kahit kasal na sila ni Razel hindi pa rin hinihiwalayan ng pinsan niya ang kanyang asawa.


    “I’m talking to you, Lexie!” Napapitlag siya sa sigaw nito. Napayuko siya ayaw niya makita ang galit na mukha nito. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto ha?”


    “Sorry, nakatulog kasi ako sa sofa,” sagot niya rito habang nanatiling nakayuko.


    “Bullsh*t! Alam mo ba na kalahating oras kaming naghintay! Sa susunod huwag ka muna matulog hintayin mo ang pagdating ko!” nanggigigil na sigaw nito sa mukha niya. Sa halip na mainis siya sigaw nito, natuwa pa siya nang maamoy niya ang hininga nito.
    🌸 CHAPTER 2🌸 One year later “OPEN the door, Lexie!” Napamulat ng mata si Lexie. Bumangon siya sa sofa nang marinig ulit ang malakas na sigaw ni Razel. Tiningnan niya ang relo sa kamay. Napabuntong-hininga siya at napailing-iling. Alas-otso na naman ng gabi umuwi ang asawa. ‘Di niya alam kung matatawag niya nga ba na asawa ito. Tumayo siya at tinungo ang pinto. Inihanda niya na ang sarili. Alam niyang pagbubuhatan na naman siya ni Razel ng kamay kahit na wala siyang ginagawang masama. Pagbukas niya ng pintuan matalim siya nitong tiningnan. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?” singhal nito. Napalunok siya ng laway. Humigpit din ang kapit niya sa laylayan ng kanyang damit. Napatingin siya sa kasama nito. Parang sinaksak ng libo-libong karayom ang puso niya sa nakita. Nakahawak ang kamay ng asawa sa bewang ng pinsan niyang si Sherra. Muling ibinaling niya ang tingin sa mukha ng pinsan. Nakataas ang kilay nito sa kanya. Gusto niya sana itong irapan kung wala ang asawa sa harapan nila. “Honey, mauna ka nang umakyat sa kwarto . . . mauna ka na rin mag-shower,” utos ni Razel rito. Tiningnan niya nang masama ang pinsan. “Okay, Hon,” malanding sagot nito. Hinimas pa nito ang dibdib ni Razel. Kung hindi lang magagalit sa kanya ang asawa baka kanina niya pa sinabunutan ang pinsan. Bago ito tuluyang tumalikod nginisian pa siya nito. Naikuyom niya na lang ang dalawang palad. Isang taon na silang kasal ni Razel. Wala siyang nagawa nang ipakasal siya ng ama rito dahil ikinulong siya nang tatlong araw sa loob ng kwarto niya. Lalo siyang napilitang magpakasal nang bugbugin ng ama ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Sa isang taon na lumipas palagi siya nitong sinasaktan. Palagi rin nitong dinadala sa bahay nila ang nobya nitong si Sherra. Kahit kasal na sila ni Razel hindi pa rin hinihiwalayan ng pinsan niya ang kanyang asawa. “I’m talking to you, Lexie!” Napapitlag siya sa sigaw nito. Napayuko siya ayaw niya makita ang galit na mukha nito. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto ha?” “Sorry, nakatulog kasi ako sa sofa,” sagot niya rito habang nanatiling nakayuko. “Bullsh*t! Alam mo ba na kalahating oras kaming naghintay! Sa susunod huwag ka muna matulog hintayin mo ang pagdating ko!” nanggigigil na sigaw nito sa mukha niya. Sa halip na mainis siya sigaw nito, natuwa pa siya nang maamoy niya ang hininga nito.
    0 Comments 0 Shares 210 Views 0 Reviews
  • 🌸 CONTINUATION OF CHAPTER 1🌸
    Hindi niya puwedeng iwan ang dalawang kapatid niyang lalaki at ang kanyang ina.

    “Pumayag ka na sa gusto ni Papa, Lexie. Ayoko kay Razel. I will never marry that guy... si Rake na kapatid niya ang gusto kong pakasalan.”

    Parang tangang ngumiti ito nang mabanggit ang pangalan ni Rake.

    Alam niyang matagal nang may gusto ang Ate Lezie niya sa lalaki.

    “Lezie, bumalik ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala sa babaeng ito,” rinig niyang wika ng ama sa kanyang likuran.

    “Bye! Lexie, bahala ka sa buhay mo!” pang-aasar pa ng Ate Lezie niya sa kanya.

    Nag-flying kiss pa ito bago tuluyang pumasok sa kwarto nito.

    Humarap siya sa kanyang ama at tinitigan ito.

    Bakit kapag ang ate niya ang kaharap ng ama niya, napakabait nito?

    Bakit kapag siya at ang dalawang kapatid niya ang kaharap nito, nagiging mabangis ang mukha nito?

    Hindi ba sila mga anak din nito?

    Kaya parang hayop sila kung ituring nito.

    Tanging ang ina na lang ang kakampi nila. Ang ate kasi nila, kakampi ng ama nila.

    Kung ituring sila ng ate nila ay parang mga hayop. Sa tuwing magagalaw lang niya o kaya ay magagalaw ng dalawa niyang kapatid ang mga gamit nito, nangbabato na ito—tsinelas, lalagyan ng lotion, at remote ng TV.

    Kaya iniiwasan nilang mahawakan ang mga gamit nito.

    Kahit suklay ay ipinagdadamot din nito.

    May sarili rin itong kwarto. Sa kwarto naman nito, tanging ang ama at ina lang nila ang pinapayagan nitong pumasok.

    “Aray!” hiyaw niya nang hampasin siya ng ama ng tsinelas sa ulo.

    Napaatras siya nang akmang hahampasin pa siya nito sa mukha gamit ang tsinelas.

    “Kahit kailan talaga bastos ka, eh!” galit na sigaw nito. “Kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot!”

    Napahawak siya sa kanang pisngi nang sapakin siya ng ama sa mukha.

    Parang mawawalan siya ng ulirat sa ginawa nito.

    Hindi niya alam ang gagawin o kung paano siya makakaalis sa harapan nito.

    Alam niyang sasaktan pa siya ulit nito.

    Napapikit na lang siya nang hablutin nito ang kanyang buhok.

    “Bukas agahan mong gumising. Makikipagkita tayo sa ama ni Razel. Gusto ka raw nitong makita.”

    Napailing-iling siya.

    Hinigpitan lalo nito ang pagkakahawak sa buhok niya. Pakiramdam niya ay parang natatanggal na ang mga buhok sa kanyang anit.

    “Pa, ayokong makipagkita sa ama ni Razel! Ayokong magpakasal sa lalaking ‘yon!” sigaw niya.

    Nanlabo ang paningin niya nang suntukin nito ang kanyang sikmura.

    Panginoon, kayo na po ang bahala sa akin.

    “Diyos ko! Jimmy!” huling narinig niyang sigaw ng kanyang ina bago tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.
    🌸 CONTINUATION OF CHAPTER 1🌸 Hindi niya puwedeng iwan ang dalawang kapatid niyang lalaki at ang kanyang ina. “Pumayag ka na sa gusto ni Papa, Lexie. Ayoko kay Razel. I will never marry that guy... si Rake na kapatid niya ang gusto kong pakasalan.” Parang tangang ngumiti ito nang mabanggit ang pangalan ni Rake. Alam niyang matagal nang may gusto ang Ate Lezie niya sa lalaki. “Lezie, bumalik ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala sa babaeng ito,” rinig niyang wika ng ama sa kanyang likuran. “Bye! Lexie, bahala ka sa buhay mo!” pang-aasar pa ng Ate Lezie niya sa kanya. Nag-flying kiss pa ito bago tuluyang pumasok sa kwarto nito. Humarap siya sa kanyang ama at tinitigan ito. Bakit kapag ang ate niya ang kaharap ng ama niya, napakabait nito? Bakit kapag siya at ang dalawang kapatid niya ang kaharap nito, nagiging mabangis ang mukha nito? Hindi ba sila mga anak din nito? Kaya parang hayop sila kung ituring nito. Tanging ang ina na lang ang kakampi nila. Ang ate kasi nila, kakampi ng ama nila. Kung ituring sila ng ate nila ay parang mga hayop. Sa tuwing magagalaw lang niya o kaya ay magagalaw ng dalawa niyang kapatid ang mga gamit nito, nangbabato na ito—tsinelas, lalagyan ng lotion, at remote ng TV. Kaya iniiwasan nilang mahawakan ang mga gamit nito. Kahit suklay ay ipinagdadamot din nito. May sarili rin itong kwarto. Sa kwarto naman nito, tanging ang ama at ina lang nila ang pinapayagan nitong pumasok. “Aray!” hiyaw niya nang hampasin siya ng ama ng tsinelas sa ulo. Napaatras siya nang akmang hahampasin pa siya nito sa mukha gamit ang tsinelas. “Kahit kailan talaga bastos ka, eh!” galit na sigaw nito. “Kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot!” Napahawak siya sa kanang pisngi nang sapakin siya ng ama sa mukha. Parang mawawalan siya ng ulirat sa ginawa nito. Hindi niya alam ang gagawin o kung paano siya makakaalis sa harapan nito. Alam niyang sasaktan pa siya ulit nito. Napapikit na lang siya nang hablutin nito ang kanyang buhok. “Bukas agahan mong gumising. Makikipagkita tayo sa ama ni Razel. Gusto ka raw nitong makita.” Napailing-iling siya. Hinigpitan lalo nito ang pagkakahawak sa buhok niya. Pakiramdam niya ay parang natatanggal na ang mga buhok sa kanyang anit. “Pa, ayokong makipagkita sa ama ni Razel! Ayokong magpakasal sa lalaking ‘yon!” sigaw niya. Nanlabo ang paningin niya nang suntukin nito ang kanyang sikmura. Panginoon, kayo na po ang bahala sa akin. “Diyos ko! Jimmy!” huling narinig niyang sigaw ng kanyang ina bago tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.
    0 Comments 0 Shares 244 Views 0 Reviews
  • nagtitiwala ako sayo lord, ikaw na bahala Sakin🙏🫶🏻
    nagtitiwala ako sayo lord, ikaw na bahala Sakin🙏🫶🏻
    Love
    1
    0 Comments 0 Shares 159 Views 0 Reviews
  • 🌸 CHAPTER 1🌸
    NAKAUPO si Lexie sa lumang sofa nila habang nakatingin sa nakaupong ama sa kanyang tabi. Dahil alas-nuwebe na ng gabi, hindi niya napigilang humikab. Gusto na sana niyang matulog. She was already feeling tired and sleepy.

    May importante raw kasing sasabihin ang kanyang ama kaya tiniis muna niya ang puyat. Kakauwi niya pa lang galing palengke dahil pagkarating niya kanina galing eskwelahan ay pinatinda siya kaagad ng kanyang ina ng isda.

    Mabuti na lang at may pumakyaw sa tinda niyang isda kaya nakauwi siya agad. Kung nagkataong walang pumakyaw, baka abutin na naman siya ng alas-dyes ng gabi.

    Sa tuwing walang pumapakyaw sa tinda niyang isda ay alas-dyes siya umuuwi. Palagi rin siyang pinapagalitan ng kanyang ama kapag nakikita nitong hindi ubos ang tininda niyang isda.

    “Lexie, sa sunod na linggo ikakasal kayo ni Razel sa huwes,” seryosong saad ng kanyang ama.

    Parang sinindihan ang puwet niya sa narinig. Napatayo rin siya, at biglang nawala ang lahat ng antok at pagod niya.

    “Pa! Nagbibiro ka lang, ‘di ba? At saka lasing ka lang kaya kung anu-ano sinasabi niyo,” pilit pa rin siyang ngumiti sa harapan nito.

    Amoy alak ang kanyang ama. Wala naman itong ginagawa buong maghapon dahil ang tanging alam lang nitong gawin ay tumambay sa kanto at uminom ng alak habang sumusugal. Adik rin ito sa sabong.

    Kaya awang-awa na siya sa kanyang ina dahil nagtitinda ito ng isda buong maghapon. Ang Ate Sherra niya naman ay ubod ng tamad. Kahit maghugas ng plato ay hindi nito ginagawa. The only thing she seemed to know how to do was scroll through Facebook pagkagaling sa eskwelahan.

    Kahit sa pagtitinda ng isda ay ayaw siya nitong tulungan. Ang mga isdang binibenta niya ay galing sa kaibigang mangingisda ng kanyang ina. Doon bumibili ang kanyang ina dahil mura ang singil nito. Pinapatungan lang niya ang presyo para kahit papaano ay may tubo siya.

    “Sa tingin mo ba nagbibiro ako? ‘Di ako nagbibiro, Lexie, hindi rin ako lasing!” singhal nito.

    Napawi ang ngiti niya.

    Bakit siya magpapakasal kay Razel?

    Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng pinsan niyang si Sherra kapag pinakasalan niya ang boyfriend nito?

    Ayokong masabihan ng malandi!

    Napaka-maldita pa naman nito. Sa lahat ng pinsan niya, si Sherra lang ang hindi niya kasundo. Por que teacher lang ang ama at ina nito, napakayabang na nito. Sa tuwing nagkikita sila ng pinsan niya, iniirapan siya nito.

    “Pa, ayokong magpakasal kay Razel,” mahinahon niyang wika. “At bakit ba ako magpapakasal sa lalaking iyon?”

    Bakit nga ba siya magpapakasal?

    Ano’ng dahilan ng ama niya?

    Biglang nagbago ang anyo nito kaya napaatras siya. Tumayo ito at hinila ang buhok niya.

    “Magpapakasal ka sa lalaking iyon! Malaki ang utang ko sa ama ni Razel, ikaw lang ang alam kong puwedeng ibayad. Wala ka rin namang kuwentang bata ka! Palamunin ka lang dito sa bahay!” galit na sigaw nito sa mukha niya.

    Ako pa talaga ang palamunin?

    Mas palamunin pa nga si Ate Sherra kaysa sa akin!

    Gusto niya sanang isigaw iyon sa kanyang ama, pero pinili niyang huwag na lang sabihin. Baka lalo lang siyang malintikan dito. Paboritong anak pa naman nito ang ate nila.

    “Pa, lasing ka lang,” saway niya.

    Kaya lalo nitong hinila ang buhok niya.
    🌸 CHAPTER 1🌸 NAKAUPO si Lexie sa lumang sofa nila habang nakatingin sa nakaupong ama sa kanyang tabi. Dahil alas-nuwebe na ng gabi, hindi niya napigilang humikab. Gusto na sana niyang matulog. She was already feeling tired and sleepy. May importante raw kasing sasabihin ang kanyang ama kaya tiniis muna niya ang puyat. Kakauwi niya pa lang galing palengke dahil pagkarating niya kanina galing eskwelahan ay pinatinda siya kaagad ng kanyang ina ng isda. Mabuti na lang at may pumakyaw sa tinda niyang isda kaya nakauwi siya agad. Kung nagkataong walang pumakyaw, baka abutin na naman siya ng alas-dyes ng gabi. Sa tuwing walang pumapakyaw sa tinda niyang isda ay alas-dyes siya umuuwi. Palagi rin siyang pinapagalitan ng kanyang ama kapag nakikita nitong hindi ubos ang tininda niyang isda. “Lexie, sa sunod na linggo ikakasal kayo ni Razel sa huwes,” seryosong saad ng kanyang ama. Parang sinindihan ang puwet niya sa narinig. Napatayo rin siya, at biglang nawala ang lahat ng antok at pagod niya. “Pa! Nagbibiro ka lang, ‘di ba? At saka lasing ka lang kaya kung anu-ano sinasabi niyo,” pilit pa rin siyang ngumiti sa harapan nito. Amoy alak ang kanyang ama. Wala naman itong ginagawa buong maghapon dahil ang tanging alam lang nitong gawin ay tumambay sa kanto at uminom ng alak habang sumusugal. Adik rin ito sa sabong. Kaya awang-awa na siya sa kanyang ina dahil nagtitinda ito ng isda buong maghapon. Ang Ate Sherra niya naman ay ubod ng tamad. Kahit maghugas ng plato ay hindi nito ginagawa. The only thing she seemed to know how to do was scroll through Facebook pagkagaling sa eskwelahan. Kahit sa pagtitinda ng isda ay ayaw siya nitong tulungan. Ang mga isdang binibenta niya ay galing sa kaibigang mangingisda ng kanyang ina. Doon bumibili ang kanyang ina dahil mura ang singil nito. Pinapatungan lang niya ang presyo para kahit papaano ay may tubo siya. “Sa tingin mo ba nagbibiro ako? ‘Di ako nagbibiro, Lexie, hindi rin ako lasing!” singhal nito. Napawi ang ngiti niya. Bakit siya magpapakasal kay Razel? Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng pinsan niyang si Sherra kapag pinakasalan niya ang boyfriend nito? Ayokong masabihan ng malandi! Napaka-maldita pa naman nito. Sa lahat ng pinsan niya, si Sherra lang ang hindi niya kasundo. Por que teacher lang ang ama at ina nito, napakayabang na nito. Sa tuwing nagkikita sila ng pinsan niya, iniirapan siya nito. “Pa, ayokong magpakasal kay Razel,” mahinahon niyang wika. “At bakit ba ako magpapakasal sa lalaking iyon?” Bakit nga ba siya magpapakasal? Ano’ng dahilan ng ama niya? Biglang nagbago ang anyo nito kaya napaatras siya. Tumayo ito at hinila ang buhok niya. “Magpapakasal ka sa lalaking iyon! Malaki ang utang ko sa ama ni Razel, ikaw lang ang alam kong puwedeng ibayad. Wala ka rin namang kuwentang bata ka! Palamunin ka lang dito sa bahay!” galit na sigaw nito sa mukha niya. Ako pa talaga ang palamunin? Mas palamunin pa nga si Ate Sherra kaysa sa akin! Gusto niya sanang isigaw iyon sa kanyang ama, pero pinili niyang huwag na lang sabihin. Baka lalo lang siyang malintikan dito. Paboritong anak pa naman nito ang ate nila. “Pa, lasing ka lang,” saway niya. Kaya lalo nitong hinila ang buhok niya.
    Like
    1
    0 Comments 0 Shares 277 Views 0 Reviews
  • Solit Yung 2 days ko dito sa new free earning apps ni avocado naka 2k agad Ako..
    Laking Tulong subra Lalo na nasa Bahay lang free lang nman Wala ilalabas kahit peso no need inv8..
    Solit Yung 2 days ko dito sa new free earning apps ni avocado naka 2k agad Ako.. Laking Tulong subra Lalo na nasa Bahay lang free lang nman Wala ilalabas kahit peso no need inv8..
    2 Comments 0 Shares 170 Views 0 Reviews
  • Hindi ba kayo nahihiya?


    Nag loveteam² kayo sa katrabaho, tapos pagka uwi sa bahay kikiss sa asawa. 😏
    Hindi ba kayo nahihiya? Nag loveteam² kayo sa katrabaho, tapos pagka uwi sa bahay kikiss sa asawa. 😏
    1 Comments 0 Shares 178 Views 0 Reviews
  • I LIKE YOU, TEACHER

    GABRIEL'S POV

    first day of senior highschool.

    maraming changes na magaganap. kinakabahan but i'cant wait. gusto ko ng matapos tong highschool.

    i came siguro mga 10mins early kasi 8 klase namin so same first day, napag desisyonan kung pumasok ng maaga. well not actually maaga kase 10mins lang naman but it's not that bad.

    pagdating ko sa school, dumaretso na ako sa room. sa aming mag ttropa, dalawa lang naging kaklase ko.

    GAS nga pala strand ko while yung iba naming barkada, hums.

    pagdating ko sa room, andun na yung mga tropa ko. wow naka reserve na pala upuan ko eh. magkakatabi kami syempre.

    " Aga natin ah", KIKO SAID.

    " Oo nga. eh nung junior high tayo, second subject kana pumapasok". dagdag pa ni juliane
    " first day ngayon syempre pasikat muna" i said then laughed .

    " andyan na si maam" may sumigaw
    inayos na namin upo namin. we met her na nung enrollment pa, she's a nice teacher. that's why kampante ako sa section na 'to eh and she's only 25 yrs old. mga bata pa talaga mga teacher dito sa shs.

    "so, good morning class" she greeted us with a smile. we did the same.

    after nya iexplain lahat ng kailangan nya iexplain tas kung ano yung subject na ituturo nya, oh by the way oral communication subject nya.

    she gave us the class schedule. so, next subject. namin is practical research, sasakit ulo ko neto for sure.

    " lalabas na 'ko so, kindly wait for your next subject teacher. and again welcome to senior highschool, enjoy kids!" then she smiled
    " bye maam". we greeted happily. she left.

    so as time went bye, it's time for our recess na.

    " sino may dala pagkain sa inyo?" I asked sa mga friends ko.
    malayo kase canteen dito sa shs building ei 15mins lang naman break namin.

    " wala eh.malayo canteen.ililibre pa naman kita" KIKO SAID THEN SMILED ANNOYINGLY.
    " sus maniwala sayo, sinasabi mo yan kase di talaga tayo makakabili" I said,

    napansin ko naman na nagsigbalikan na mga kaklase namin sa mga upuan nila so I'm assumming na andyan na yung next teacher namin. bilis ah tangina di man lang ako nakainom kahit tubig.

    " good morning class". nung narinig ko yun, humarap na 'ko to pay attention

    but as soon as nakita ko sya, I can't think straight anymore. she is so pretty. her smile. her eye's. her hair perfection.

    " I'm miss aira O. lim.miss ah hindi mrs. " then she laughed pati na din buong klase.
    " halata naman maam eh, masyado ka pang bata para mag-asawa," someone said from the class.

    she smiled.
    " tama ka jan. I'm just 21 eh. wala pa akong one year dito sa school eh, she answered
    "single maam?" I asked, syempre nilakasan ko na loob ko.
    " uhmm ano eh. di ko alam eh."she laughed
    " yes, single" she continued then the whole class went " aww"

    "back to our subject na nga, puro tayo kwentuhan eh" she smiled again.
    parang araw araw na ko papasok ah.
    " I'll be your teacher in personal development for this semester" then she explained kung para san yung subject.

    "so, let's see each other bukas I'll get going na. bye class" then nung palabas na sya tumayo ako tas pumunta sa kanya.

    " I'll help you carry your things maam" I smiled. ganto galawan ng mga gustong mapalapit sa teacher eh. " sigurado ka? sa kabilang building pa next class ko"
    "it's ok po tsaka vacant naman namin" di ko nga alam kung vacant talaga. bala na. makasama lang sya eh.
    " oh okay". then she smiled, binigay nya sakin yung things nya.

    bumaba na kami,
    "ano nga ulit name mo?" she asked.
    "gabriel, gabriel garcia po" I answered
    " wow gg" she chuckled
    " cute mo maam" tanginang bibig yan gab,
    "hoy, plus 10" she laughed, jusko buti na lang.
    " eto na room ko, thank you mrs. garcia" then i handed her things.
    " no prob po" then i smiled.

    nung pag pasok nya tumakbo agad ako papuntang room, di naman kase talaga namin vacant, sa friday pa yun. di ko lang alam kung anong subject na.pagdating ko buti na lang wala pa. i sat feeling relieved

    " ano yun pre?" KIKO ASKED.
    " ha? tinulungan ko lang si maam".
    "she's pretty pero wag yun ah, teacher yun.teacher natin yun . I laughed"
    " sira ulo ka talaga.kung ano ano iniisip mo eh." napaisip ako bigla sa sinabi nya.

    pero she is really pretty.




    comment ( PART 2 ) if you want my stories guysss😁😁😁
    I LIKE YOU, TEACHER GABRIEL'S POV first day of senior highschool. maraming changes na magaganap. kinakabahan but i'cant wait. gusto ko ng matapos tong highschool. i came siguro mga 10mins early kasi 8 klase namin so same first day, napag desisyonan kung pumasok ng maaga. well not actually maaga kase 10mins lang naman but it's not that bad. pagdating ko sa school, dumaretso na ako sa room. sa aming mag ttropa, dalawa lang naging kaklase ko. GAS nga pala strand ko while yung iba naming barkada, hums. pagdating ko sa room, andun na yung mga tropa ko. wow naka reserve na pala upuan ko eh. magkakatabi kami syempre. " Aga natin ah", KIKO SAID. " Oo nga. eh nung junior high tayo, second subject kana pumapasok". dagdag pa ni juliane " first day ngayon syempre pasikat muna" i said then laughed . " andyan na si maam" may sumigaw inayos na namin upo namin. we met her na nung enrollment pa, she's a nice teacher. that's why kampante ako sa section na 'to eh and she's only 25 yrs old. mga bata pa talaga mga teacher dito sa shs. "so, good morning class" she greeted us with a smile. we did the same. after nya iexplain lahat ng kailangan nya iexplain tas kung ano yung subject na ituturo nya, oh by the way oral communication subject nya. she gave us the class schedule. so, next subject. namin is practical research, sasakit ulo ko neto for sure. " lalabas na 'ko so, kindly wait for your next subject teacher. and again welcome to senior highschool, enjoy kids!" then she smiled " bye maam". we greeted happily. she left. so as time went bye, it's time for our recess na. " sino may dala pagkain sa inyo?" I asked sa mga friends ko. malayo kase canteen dito sa shs building ei 15mins lang naman break namin. " wala eh.malayo canteen.ililibre pa naman kita" KIKO SAID THEN SMILED ANNOYINGLY. " sus maniwala sayo, sinasabi mo yan kase di talaga tayo makakabili" I said, napansin ko naman na nagsigbalikan na mga kaklase namin sa mga upuan nila so I'm assumming na andyan na yung next teacher namin. bilis ah tangina di man lang ako nakainom kahit tubig. " good morning class". nung narinig ko yun, humarap na 'ko to pay attention but as soon as nakita ko sya, I can't think straight anymore. she is so pretty. her smile. her eye's. her hair perfection. " I'm miss aira O. lim.miss ah hindi mrs. " then she laughed pati na din buong klase. " halata naman maam eh, masyado ka pang bata para mag-asawa," someone said from the class. she smiled. " tama ka jan. I'm just 21 eh. wala pa akong one year dito sa school eh, she answered "single maam?" I asked, syempre nilakasan ko na loob ko. " uhmm ano eh. di ko alam eh."she laughed " yes, single" she continued then the whole class went " aww" "back to our subject na nga, puro tayo kwentuhan eh" she smiled again. parang araw araw na ko papasok ah. " I'll be your teacher in personal development for this semester" then she explained kung para san yung subject. "so, let's see each other bukas I'll get going na. bye class" then nung palabas na sya tumayo ako tas pumunta sa kanya. " I'll help you carry your things maam" I smiled. ganto galawan ng mga gustong mapalapit sa teacher eh. " sigurado ka? sa kabilang building pa next class ko" "it's ok po tsaka vacant naman namin" di ko nga alam kung vacant talaga. bala na. makasama lang sya eh. " oh okay". then she smiled, binigay nya sakin yung things nya. bumaba na kami, "ano nga ulit name mo?" she asked. "gabriel, gabriel garcia po" I answered " wow gg" she chuckled " cute mo maam" tanginang bibig yan gab, "hoy, plus 10" she laughed, jusko buti na lang. " eto na room ko, thank you mrs. garcia" then i handed her things. " no prob po" then i smiled. nung pag pasok nya tumakbo agad ako papuntang room, di naman kase talaga namin vacant, sa friday pa yun. di ko lang alam kung anong subject na.pagdating ko buti na lang wala pa. i sat feeling relieved " ano yun pre?" KIKO ASKED. " ha? tinulungan ko lang si maam". "she's pretty pero wag yun ah, teacher yun.teacher natin yun . I laughed" " sira ulo ka talaga.kung ano ano iniisip mo eh." napaisip ako bigla sa sinabi nya. pero she is really pretty. comment ( PART 2 ) if you want my stories guysss😁😁😁
    0 Comments 0 Shares 566 Views 0 Reviews
  • BAKIT MARAMING BATANG SINGLE MOM NGAYON - KASI MAPUSOK ANG GENERATION NA TO


    MAPUSOK GUMAWA, PERO DUWAG PANINDIGAN.


    Yan ang totoo.


    Ang bilis maghubad, ang bilis mag "I love you".
    Pero pag positive na sa PT, ang bilis din tumakbo ng lalaki.


    "Di pa ko ready"
    "Bata pa tayo"
    "Ipano na lang natin"


    Si babae naiwan. Si lalaki nakahanap na ng bago.


    ISANG GABING SARAP, 18 TAONG HIRAP.


    Yung isang gabi na di nakapagpigil, yun na.


    9 months na pagbubuntis na mag-isa.
    Gastos sa ospital na siya lang.
    Panghuhusga ng kapitbahay na siya lang sasalo.
    Pagpupuyat sa bata na siya lang gigising.


    Yung lalaki? Tulog pa rin sa bahay nila.


    KASI AKALA NILA PAG BINIGAY MO LAHAT, HINDI KA IIWAN.


    Real talk


    Maling-mali yung "ibigay ko para di siya maghanap sa iba".


    Hindi ka iiwan ng lalaki dahil di mo binigay.
    Iiwan ka niya kasi hindi ka niya talaga mahal mula umpisa.


    Ngayon, binigay mo na, iniwan ka pa. Dalawa na kayo ngayon - ikaw at si baby.


    WALANG PROTECTION KASI "SAGAD KUNG SAGAD".


    "Mas masarap kasi pag walang condom"
    "Safe naman kasi"
    "Isang beses lang naman"


    Isang beses lang pala, pero positive agad.


    KAYA DUMADAMI SINGLE MOM KASI DUMADAMI RIN ANG LALAKING WALANG KWENTA.


    Magaling lang sa una.


    Magaling manligaw.
    Magaling mangako.
    Magaling sa kama.


    Pero pagdating sa responsibilidad, biglang bata ulit.


    Hindi lahat ng lalaki, pero maraming ganito ngayon. Sarap lang alam, hindi hirap.


    ---


    REAL TALK


    KAYA MARAMING BATANG SINGLE MOM HINDI DAHIL MAHINA ANG BABAE. KUNDI DAHIL MALAKAS ANG TUKSO AT MAHINA ANG LALAKING NAKABUNTIS.


    Sa mga single mom na ngayon - hindi kayo mahina. Kayo pa nga pinakamatapang. Kasi yung tumakbo, yun yung duwag.


    Sa mga dalaga pa lang - matuto kayo sa kwento nila. Hindi lahat ng "mahal kita" totoo.


    At sa mga lalaki - kung di mo kayang buhayin, wag mong buuin.


    Isang gabi lang yan para sayo. Buong buhay yan para sa kanila.


    Hustle Over Slavery - H.O.S


    #hustleoverslavery
    BAKIT MARAMING BATANG SINGLE MOM NGAYON - KASI MAPUSOK ANG GENERATION NA TO MAPUSOK GUMAWA, PERO DUWAG PANINDIGAN. Yan ang totoo. Ang bilis maghubad, ang bilis mag "I love you". Pero pag positive na sa PT, ang bilis din tumakbo ng lalaki. "Di pa ko ready" "Bata pa tayo" "Ipano na lang natin" Si babae naiwan. Si lalaki nakahanap na ng bago. ISANG GABING SARAP, 18 TAONG HIRAP. Yung isang gabi na di nakapagpigil, yun na. 9 months na pagbubuntis na mag-isa. Gastos sa ospital na siya lang. Panghuhusga ng kapitbahay na siya lang sasalo. Pagpupuyat sa bata na siya lang gigising. Yung lalaki? Tulog pa rin sa bahay nila. KASI AKALA NILA PAG BINIGAY MO LAHAT, HINDI KA IIWAN. Real talk Maling-mali yung "ibigay ko para di siya maghanap sa iba". Hindi ka iiwan ng lalaki dahil di mo binigay. Iiwan ka niya kasi hindi ka niya talaga mahal mula umpisa. Ngayon, binigay mo na, iniwan ka pa. Dalawa na kayo ngayon - ikaw at si baby. WALANG PROTECTION KASI "SAGAD KUNG SAGAD". "Mas masarap kasi pag walang condom" "Safe naman kasi" "Isang beses lang naman" Isang beses lang pala, pero positive agad. KAYA DUMADAMI SINGLE MOM KASI DUMADAMI RIN ANG LALAKING WALANG KWENTA. Magaling lang sa una. Magaling manligaw. Magaling mangako. Magaling sa kama. Pero pagdating sa responsibilidad, biglang bata ulit. Hindi lahat ng lalaki, pero maraming ganito ngayon. Sarap lang alam, hindi hirap. --- REAL TALK KAYA MARAMING BATANG SINGLE MOM HINDI DAHIL MAHINA ANG BABAE. KUNDI DAHIL MALAKAS ANG TUKSO AT MAHINA ANG LALAKING NAKABUNTIS. Sa mga single mom na ngayon - hindi kayo mahina. Kayo pa nga pinakamatapang. Kasi yung tumakbo, yun yung duwag. Sa mga dalaga pa lang - matuto kayo sa kwento nila. Hindi lahat ng "mahal kita" totoo. At sa mga lalaki - kung di mo kayang buhayin, wag mong buuin. Isang gabi lang yan para sayo. Buong buhay yan para sa kanila. Hustle Over Slavery - H.O.S #hustleoverslavery
    1 Comments 0 Shares 374 Views 0 Reviews
More Results
Sponsored