Patrocinado
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang lahat.


Dati, ako yung babaeng hindi niya kayang hindi tawagan kahit isang araw lang kaming hindi magkasama. Ako yung babaeng proud niyang ipinapakilala sa mga kaibigan niya. Ako yung dahilan kung bakit lagi siyang nakangiti.
Pero habang tumatagal... habang naging asawa niya ako at naging ina ng anak namin.... pakiramdam ko unti-unti akong nawawala sa paningin niya. Hindi naman siya naging masamang tao, Hindi siya nananakit, Hindi siya babaero, Hindi siya sumisigaw.Pero minsan, may mga sugat na hindi. kailangan ng sigawan para maramdaman. At iyon ang unti-unti kong naramdaman. Na parang hindi na niya ako nakikita bilang babaeng minahal niya noon. Nakikita na niya lang ako bilang ina ng anak niya. Gigising ako araw-araw nang maaga para magluto ng almusal. Ihahanda ko ang uniform ng anak namin, maglilinis ng bahay, maglalaba, at aasikasuhin lahat ng kailangan nila. Habang siya naman, gigising, kakain, papasok sa trabaho, at uuwi nang pagod. Paulit-ulit Hanggang sa dumating yung panahon na parang naging routine na lang kami sa isa't isa.


Isang gabi, habang sabay kaming kumakain, napansin kong buong oras siyang nakatingin sa cellphone niya. Habang ako naman, sinusubukan kong patawanin ang anak namin. Tawang-tawa si Liam. Pero si Marco? Ni hindi man lang ako tiningnan. At doon ko na naman naramdaman yung lungkot na matagal ko nang tinatago. Naalala ko tuloy yung dating kami. Yung kahit simpleng lipstick lang ang ilagay ko, mapapansin niya agad.


"Ang ganda mo talaga," lagi niyang sinasabi noon Kapag magkasama kami dati, parang ako lang yung nakikita niya. Pero ngayon... parang bahagi na lang ako ng bahay. Parang taong nandiyan lang para mag-asikaso.


Isang gabi, habang tulog na si Liam, hindi ko na napigilang magtanong.


"Marco... miss mo pa ba ako?" Napatingin siya akin.


"Bakit mo naman natanong 'yan?" Hindi agad ako nakasagot. Kasi paano ko ba sasabihin sa kanya na matagal ko nang nami-miss yung dating ako sa buhay niya? Yung babaeng mahal na mahal niya.


"Pakiramdam ko kasi... hindi mo na ako nakikita," mahina kong sabi. Napabuntong-hininga siya.


"Drama mo naman."


At parang may kung anong nabasag sa loob
ko. Kasi para sa kanya, drama lang pala lahat ng nararamdaman ko. Hindi niya alam kung ilang gabi akong umiiyak habang tulog siya. Hindi niya alam kung ilang beses kong tinitignan ang sarili ko sa salamin para tanungin kung may mall ba sa akin. Kung hindi na ba ako maganda. Kung hindi na ba ako interesting. Kung hindi na ba ako sapat. Habang tumatagal, mas lalo akong naging tahimik. Hindi na ako nagkukwento. Hindi na ako nagyayaya lumabas. Hindi na ako naglalambing. Napagod na kasi ako. Nakakapagod palang paulit-ulit mong hinihingi ang atensyon ng taong dati namang kusa iyong binibigay.


Isang araw, pumunta ako sa bahay ng mama
ko kasama si Liam. Pagkakita pa lang niya sa akin, parang alam na niya agad na may mabigat akong dinadala.


"May problema ba kayo ni Marco?" tanong niya. Ngumiti lang ako.


Pero maya-maya, hindi ko na napigilang umiyak.


"Ma... parang hindi na niya ako mahal." Yinakap niya ako nang mahigpit.


"At kailan mo pa nararamdaman 'yan?"


"Matagal na."


"Bakit hindi mo sinabi?"


"Kasi akala ko lilipas din." Tahimik lang akong umiiyak habang hawak niya ako.


"At alam mo ba pinakamasakit?" sabi ko.


"Ano?"


"Nandiyan siya... pero pakiramdam ko mag-isa pa rin ako."


Pag-uwi ko sa bahay nang gabing iyon, nadatnan kong si Marco ang nagpapakain kay Liam. Nagulat ako hindi kasi siya madalas umuwi nang maaga.Pagpasok ko, napatingin siya sa akin.


"Nasaan ka?"


"Kay mama." Tahimik siya.


At pagkatapos naming patulugin si Liam, doon niya ako kinausap.


"May mali ba talaga sa atin?" Napatawa ako nang mahina.


"Ngayon mo lang napansin?" Tahimik lang siya.


"Marco..." Tumingin ako diretso sa kanya.
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang lahat. Dati, ako yung babaeng hindi niya kayang hindi tawagan kahit isang araw lang kaming hindi magkasama. Ako yung babaeng proud niyang ipinapakilala sa mga kaibigan niya. Ako yung dahilan kung bakit lagi siyang nakangiti. Pero habang tumatagal... habang naging asawa niya ako at naging ina ng anak namin.... pakiramdam ko unti-unti akong nawawala sa paningin niya. Hindi naman siya naging masamang tao, Hindi siya nananakit, Hindi siya babaero, Hindi siya sumisigaw.Pero minsan, may mga sugat na hindi. kailangan ng sigawan para maramdaman. At iyon ang unti-unti kong naramdaman. Na parang hindi na niya ako nakikita bilang babaeng minahal niya noon. Nakikita na niya lang ako bilang ina ng anak niya. Gigising ako araw-araw nang maaga para magluto ng almusal. Ihahanda ko ang uniform ng anak namin, maglilinis ng bahay, maglalaba, at aasikasuhin lahat ng kailangan nila. Habang siya naman, gigising, kakain, papasok sa trabaho, at uuwi nang pagod. Paulit-ulit Hanggang sa dumating yung panahon na parang naging routine na lang kami sa isa't isa. Isang gabi, habang sabay kaming kumakain, napansin kong buong oras siyang nakatingin sa cellphone niya. Habang ako naman, sinusubukan kong patawanin ang anak namin. Tawang-tawa si Liam. Pero si Marco? Ni hindi man lang ako tiningnan. At doon ko na naman naramdaman yung lungkot na matagal ko nang tinatago. Naalala ko tuloy yung dating kami. Yung kahit simpleng lipstick lang ang ilagay ko, mapapansin niya agad. "Ang ganda mo talaga," lagi niyang sinasabi noon Kapag magkasama kami dati, parang ako lang yung nakikita niya. Pero ngayon... parang bahagi na lang ako ng bahay. Parang taong nandiyan lang para mag-asikaso. Isang gabi, habang tulog na si Liam, hindi ko na napigilang magtanong. "Marco... miss mo pa ba ako?" Napatingin siya akin. "Bakit mo naman natanong 'yan?" Hindi agad ako nakasagot. Kasi paano ko ba sasabihin sa kanya na matagal ko nang nami-miss yung dating ako sa buhay niya? Yung babaeng mahal na mahal niya. "Pakiramdam ko kasi... hindi mo na ako nakikita," mahina kong sabi. Napabuntong-hininga siya. "Drama mo naman." At parang may kung anong nabasag sa loob ko. Kasi para sa kanya, drama lang pala lahat ng nararamdaman ko. Hindi niya alam kung ilang gabi akong umiiyak habang tulog siya. Hindi niya alam kung ilang beses kong tinitignan ang sarili ko sa salamin para tanungin kung may mall ba sa akin. Kung hindi na ba ako maganda. Kung hindi na ba ako interesting. Kung hindi na ba ako sapat. Habang tumatagal, mas lalo akong naging tahimik. Hindi na ako nagkukwento. Hindi na ako nagyayaya lumabas. Hindi na ako naglalambing. Napagod na kasi ako. Nakakapagod palang paulit-ulit mong hinihingi ang atensyon ng taong dati namang kusa iyong binibigay. Isang araw, pumunta ako sa bahay ng mama ko kasama si Liam. Pagkakita pa lang niya sa akin, parang alam na niya agad na may mabigat akong dinadala. "May problema ba kayo ni Marco?" tanong niya. Ngumiti lang ako. Pero maya-maya, hindi ko na napigilang umiyak. "Ma... parang hindi na niya ako mahal." Yinakap niya ako nang mahigpit. "At kailan mo pa nararamdaman 'yan?" "Matagal na." "Bakit hindi mo sinabi?" "Kasi akala ko lilipas din." Tahimik lang akong umiiyak habang hawak niya ako. "At alam mo ba pinakamasakit?" sabi ko. "Ano?" "Nandiyan siya... pero pakiramdam ko mag-isa pa rin ako." Pag-uwi ko sa bahay nang gabing iyon, nadatnan kong si Marco ang nagpapakain kay Liam. Nagulat ako hindi kasi siya madalas umuwi nang maaga.Pagpasok ko, napatingin siya sa akin. "Nasaan ka?" "Kay mama." Tahimik siya. At pagkatapos naming patulugin si Liam, doon niya ako kinausap. "May mali ba talaga sa atin?" Napatawa ako nang mahina. "Ngayon mo lang napansin?" Tahimik lang siya. "Marco..." Tumingin ako diretso sa kanya.
Like
2
1 Comentários 0 Compartilhamentos 78 Visualizações 0 Anterior
Patrocinado