Προωθημένο
AQUINO BRIDGE WINASAK NG BAHA


TARLAC CITY — Tuluyang nang naputol ang gitnang bahagi ng Aquino Bridge sa Barangay San Isidro bago maghatinggabi nitong Biyernes, Agosto 28, bunsod ng malalakas na ulan at rumaragasang baha sa Tarlac River dulot ng Habagat.


Ayon sa San Isidro Information Office, dakong alas-11:30 ng gabi nang mapansing gumagalaw ang tulay bago tuluyang bumigay bandang alas-11:55 ng gabi, na nakunan din sa CCTV.


Agad itong isinara sa lahat ng uri ng sasakyan. Nagsisilbing pangunahing lagusan ang tulay patungo sa kanlurang bahagi ng lungsod at mga karatig-bayan sa Tarlac at Pangasinan.


Nakatakdang magsagawa ng masusing technical assessment ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matukoy ang mismong sanhi ng pagguho—partikular ang kondisyon ng pundasyon, riverbed, at katabing flood-control structures.


Bago ang insidente, gumuho rin noong Agosto 18 ang bahagi ng flood-control dike at slope protection sa parehong barangay, dahilan upang igiit ni Mayor Susan Yap sa DPWH at sa kontraktor ang agarang permanenteng pagkukumpuni.


Matagal nang may kasaysayan ng pagkasira ang Aquino Bridge at mga karatig-estruktura nito tuwing may kalamidad, kabilang ang mga naitalang pagsasara at rehabilitasyon noong 2002, 2013, at 2015.


Mananatiling sarado ang tulay habang pinapayuhan ang publiko na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.
AQUINO BRIDGE WINASAK NG BAHA TARLAC CITY — Tuluyang nang naputol ang gitnang bahagi ng Aquino Bridge sa Barangay San Isidro bago maghatinggabi nitong Biyernes, Agosto 28, bunsod ng malalakas na ulan at rumaragasang baha sa Tarlac River dulot ng Habagat. Ayon sa San Isidro Information Office, dakong alas-11:30 ng gabi nang mapansing gumagalaw ang tulay bago tuluyang bumigay bandang alas-11:55 ng gabi, na nakunan din sa CCTV. Agad itong isinara sa lahat ng uri ng sasakyan. Nagsisilbing pangunahing lagusan ang tulay patungo sa kanlurang bahagi ng lungsod at mga karatig-bayan sa Tarlac at Pangasinan. Nakatakdang magsagawa ng masusing technical assessment ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matukoy ang mismong sanhi ng pagguho—partikular ang kondisyon ng pundasyon, riverbed, at katabing flood-control structures. Bago ang insidente, gumuho rin noong Agosto 18 ang bahagi ng flood-control dike at slope protection sa parehong barangay, dahilan upang igiit ni Mayor Susan Yap sa DPWH at sa kontraktor ang agarang permanenteng pagkukumpuni. Matagal nang may kasaysayan ng pagkasira ang Aquino Bridge at mga karatig-estruktura nito tuwing may kalamidad, kabilang ang mga naitalang pagsasara at rehabilitasyon noong 2002, 2013, at 2015. Mananatiling sarado ang tulay habang pinapayuhan ang publiko na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.
Sad
1
0 Σχόλια 0 Μοιράστηκε 182 Views 0 Προεπισκόπηση
Προωθημένο